Meralco customers pwedeng humirit ng panibagong reading sa kanilang metro kung duda sa bayarin sa kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 09:04 AM

Pwedeng humiling ng panibagong reading ang mga customer ng Meralco kung duda sila sa itinaas ng kanilang bayarin sa kuryente.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga kung ang consumer ay duda sa kaniyang bill ay pwedeng mag-request ng re-reading.

Babalikan aniya ng Meralco ang metro at magsasagawa muli ng reading.

Kung hindi pa rin kuntento, ay pwedeng ipa-test ang metro kung may sira ito.

Kasabay nito ay humihingi ng pang-unawa ang Meralco sa publiko.

Ayon kay Zaldarriaga, hindi sana mangyayari ang problema kung nakapag-reading ang Meralco noong Marso at Abril.

Pero dahil sa lockdown na umiral ay hindi nila ito nagawa.

 

 

TAGS: bill, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Meralco, meter reading, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, re-reading, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bill, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Meralco, meter reading, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, re-reading, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.