Quiapo Church nakasailalim sa lockdown
Nakasailalim sa lockdown ang Quiapo Church sa Maynila matapos na isang bumisitang pari ang magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, simula noong June 19 pa naka-lockdown ang Quiapo Church.
Isang pari kasi na nanatili pansamantala doon ng ilang buwan matapos abutan ng lockdown sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Fr. Badong na noong June 13 umalis ang nasabing pari sa Quiapo para umuwi na ng kaniyang lalawigan sa Mindanao.
Sa stopover ng pari sa Cagayan De Oro ay nagpositibo ito sa swab test.
Bilang precautionary measure, lahat ng 80 staff ng simbahan ay pinasailalim na sa mandatory 14 days na quarantine.
Itinigil rin muna ang pagpapapasok ng 10 tao sa bawat misa, pero tuloy pa rin ang Facebook live streaming ng mga misa.
Tatagal ang lockdown hanggang sa July 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.