Gov. Jonvic Remulla nais na manatili sa ilalim ng GCQ ang Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 07:52 AM

Hindi inirekomenda ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa Inter Agency Task Force na maibaba sa Modified General Community Quarantine ang Cavite.

Ayon kay Remulla, hanggang kahapon ay mayroon nang 603 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan. 236 dito ay naka-recover na o gumaling at 40 ang nasawi.

Malaki aniya ang itinaas ng kaso mula sa wala pang 300 noong umiiral pa ang Enhanced Community Quarantine ay mahigit 600 na ito ngayong umiiral ang GCQ.

Sinabi ni Remulla na hindi naman babalik sa ECQ ang lalawigan pero hindi niya nais na mag-MGCQ sa Cavite lalo pa at wala pa ring bakuna kontra COVID-19.

Paalala ni Remulla sa mga residente maging maingat kahit na malakas ang katawan dahil kahit walang sintomas ay maaring positibo na at maging “super spreader” o malakas makahawa.

Sa ngayon ani Remulla, tuloy pa rin ang targeted testing sa frontliners.

 

 

TAGS: cavite, covid pandemic, COVID-19, department of health, ECQ, general community quarantine, Gov. Jonvic Remulla, Health, Inquirer News, MGCQ, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cavite, covid pandemic, COVID-19, department of health, ECQ, general community quarantine, Gov. Jonvic Remulla, Health, Inquirer News, MGCQ, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.