SALN deadline sa mga gov’t officials sa Abril 30-CSC

By Jan Escosio February 22, 2016 - 09:57 PM

 

cscNgayon umiinit na ang pulitika para sa halalan sa buwan ng Mayo, ipinaalala ng Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na magsumite ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN para sa taong 2015.

Ngayon taon ang deadline para sa filing ng SALN ay sa Abril 30.

Ipinaalala pa ng komisyon na dapat ideklara ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa kanilang SALN ang kanilang mga ari-arian, kasama na mga bahay, lupain, cash, sasakyan at maging ang kanilang baril kung meron man.

Gayundin ang kanilang mga pagkaka-utang, maging ng kanilang asawa, ibang dependents at mga kaanak na nagta-trabaho din sa gobyerno gayundin ang kanilang mga business at financial interests.

Ang hindi magsusumite ng kanilang saln ay maaring masuspinde ng anim na buwan hanggang sa pagkakatanggal sa serbisyo.

Ipinaala din ng CSC na dahil sinusumpaan ang SALN, ang anumang mali o kulang sa deklarasyon ay maituturing na lying under oath.

Dapat ding gamitin ng opisyal o kawani ng pamahalaan ang January 2015 version ng SALN form kung saan kinakailangan na ilagay nila ang eksaktong lokasyon ng kanilang mga lupain o pag-aaring lote.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.