Pharmaceutical company magsasapa ng kaso sa netizens dahil sa pagpapakalat ng fake news

By Jan Escosio June 29, 2020 - 11:44 AM

Nag-iipon na ngayon ng mga ebidensiya ang isang pharmaceutical company para gamitin sa pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang netizens na nagpakalat ng online fake news sa isa nilang produkto.

Kasabay ito nang pagtanggi ng St. Martin Pharmaceutical Laboratories sa kumakalat online na vetsin ang laman ng kanilang Cigla-kas Vitamin C.

Pagdidiin ng kompaniya, aprubado ng Food and Drug Administration ang lahat ng mga kanilang mga gamot at bitamina.

Nakarating sa kaalaman ng pharma company na ilang netizens sa Bulacan ang nagpakalat ng paninira sa kanilang Cigla-kas Vitamin C.

Nabatid na partikular pang natukoy sa mga online news ang pamamahagi ng mga bitamina ni San Jose del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes.

Maliban sa mga bayan sa Bulacan ipinamahagi din ang naturang bitamina ng iba pang lokal na pamahalaan dahil subok at garantisado ang bisa nito.

Kabilang din ang St. Martin Pharmaceutical Laboratories sa mga unang namahagi ng kanilang mga bitamina para sa pagpapakalakas ng immune system laban sa COVID 19.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, fake news, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, St. Martin Pharmaceutical Laboratories, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, fake news, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, St. Martin Pharmaceutical Laboratories, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.