Telecommuting Law nais maamyendahan ni Sen. Imee Marcos
Naghain ng panukala si Senator Imee Marcos para maamyendahan ang isang taon gulang pa lang na Republic Act No. 11165 o ang Telecommuting Act.
Gusto ni Marcos na maging mandatory option na maaring ialok sa mga empleyado sa pribadong sektor ang work from home arrangement kung hindi naman talaga kinakailangan na sa opisina niya gawin ang kanyang mga trabaho.
Katwiran ng senadora matindi pa rin ang banta ng COVID 19 at bahagi na ng new normal ang mga alternative working arrangements.
Sabi pa ng senadora sa kanyang inihain na Senate Bill No. 1148, kung kinakailangan naman talaga na pumasok ang empleado sa opisina maari lang ito ng hindi hihigit sa dalawang beses sa isang linggo at dapat ay tuwing weekdays lamang.
Sa ngayon, limitado pa lang ang bilang ng mga empleado na nagbalik trabaho sa pag-iral ng general community quarantine.
Disyembre ng taon 2018 nang pirmahan para maging na batas ang panukala ni Sen. Joel Villanueva ngunit noong nakaraang taon lang ito ganap na naipatupad.
Kabilang sa katuwiran noon ni Villanueva sa kanyang panukala ay para mabawasan ang bilang ng mga bumibiyahe sa pagpasok sa trabaho araw-araw nang sa gayun ay makabawas naman sa matinding traffic.
Ngayon may pandemiya dulot ng COVID 19, maraming kompaniya ang nagpapatupad na ng work from home arrangement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.