Economic integration sa ASEAN countries isinusulong para mabilis makarekober sa COVID-19

By Chona Yu June 29, 2020 - 08:37 AM

Nagkaisa ang mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations na paigtingin pa ang economic integration.

Ito ay para mabilis na nakabangon ang ekonomiya ng mga bansa sa asean sa gitna nang kinakaharap na pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang mas maagndang supply chain ang mabubuuo kundi mas mapabibilos pa ang pag-recover sa ekonomiya kung kapit bisig at magkakaisa ang ASEAN countries sa pagbangon.

May mga tratado rin aniya ang ASEAN countries para sa mga manggagawa na isa sa mga magiging sandalan ng ekonomiya.

Inilunsad na rin aniya ng ASEAN ang ASEAN COVID-19 Fund kung saan ang pangunahing layunin nito ay labanan ang COVID-19.

Nagkaroon din ng consensus ang ASEAN Head of State na dapat magkaisa sa paghanap o pag-develop ng vaccine para masiguro na hindi lang ang mayayamang bansa ang makikinabang kundi ang lahat.

 

 

TAGS: Asean, Asean summit, covid pandemic, COVID-19, economic integration, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Asean, Asean summit, covid pandemic, COVID-19, economic integration, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.