COVID-19 cases sa bansa aabot sa 60,000 sa katapusan ng Hulyo ayon sa UP experts
Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo posibleng umabot sa 60,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon ito sa pag-aaral ng grupo ng mga eksperto mula sa University of the Philippines.
Ayon sa UP experts maari ding umabot sa 1,300 na ang bilang ng mga nasawi sa sakit.
Ang grupo ay binubuo nina UP professor Dr. Guido David, UP assistant professor Ranjit Singh Rye, Ma. Patricia Agbulos at UP professor Rev. Fr. Nicanor Austriaco.
Base sa projection ng UP, sa National Capital Region (NCR) aabot ang kaso ng COVID-19 sa 27,000 pagsapit ng July 31.
Habang sa Cebu, ay maaring umabot na sa 20,000 ang COVID-19 cases sa parehong petsa.
:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.