12 mangingisdang Pinoy nawawala matapos mabangga ang sinasakyag fishing boat sa isang Hong Kong-flagged cargo vessel

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2020 - 06:50 AM

Aabot sa 12 mangingisdang Pinoy ang patuloy na pinaghahanap matapos ang aksidente sa karagatan ng Occidental Mindoro kahapon (June 28) ng umaga.

Ayon kay Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano, nabangga ang sinasakyang fishing boat na Liberty Cinco ng mga Pinoy sa isang Hong Kong-flagged cargo vessel sa bahagi ng Paluan.

Rumesponde na sa lugar ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula sa Batangas at mga opisyal ng local disaster office sa bayan ng Paluan para hanapin ang mga nawawalang mangingisda.

Ngayong araw ay magpapatuloy ang paghahanap sa mga mangingisda.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Occidental Mindoro, Paluan, Radyo Inquirer, sea accident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, Occidental Mindoro, Paluan, Radyo Inquirer, sea accident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.