BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 34,803

By Angellic Jordan June 27, 2020 - 05:00 PM

Nadagdagan pa nang mahigit 700 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (June 27), umabot na sa 34,803 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23,667 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 738 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 560 ang “fresh cases” habang 178 ang “late cases.”

Nasa 12 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,236 na.

Ayon pa sa DOH, 249 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 9,430 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.