Karagdagang 15 Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA
Nasa 15 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 27, umakyat na sa 8,432 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 57 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,815 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nanatili sa 5,081 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nasa 536 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,167 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 982 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 686 naman ang kaso sa Americas at 597 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.