Pangulong Duterte nanawagan ng nagkakaisang aksyon vs COVID-19 sa kaniyang talumpati sa ASEAN Summit

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 05:20 PM

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 36th ASEAN Summit nanawagan ang pangulo ng nagkakaisang aksyon para malabanan ang COVID-19.

Nagbukas ang 36th ASEAN Summit ngayong araw ng Biyernes, June 26 kung saan ang mga lider ng bansa ay dumalo sa pamamagitan ng video conferencing.

Sa kaniyang talumpati sinabi ng pangulo na buong mundo ay naapektuhan ng pandemic.

“Sa kanyang pitong minutong talumpati sinabi ni Presidente Duterte na talagang itong COVID-19 pandemic ay naging dahilan po ng disruptions worldwide na meron po talagang far-reaching consequences,” ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Jr.
Sinabi ni Roque na nanawagan si Pangulong Duterte ng greater economic cooperation at regional connectivity lalo na sa usapin ng sustainable supply chains, human resource development, at Karapatan ng mga migrant worker.

BInanggit din ng pangulo ang kahalagahan ng pagkakaroo ng systematic changes sa ASEAN para epektibong matugunan ng mga bansa ang pinsalang idinulot ng pandemya.

“Gaya po ng Presidente, COVID po talaga ang pinaka importanteng subject na diniscuss na mga heads of state at pagdating po dito ang naging panawagan ng marami sa kanila ay yung mas matindi pang economic integration dahil ito po ang susi para magkaroon ng mas mabilis na pagrecover dito sa COVID[-19],” ani Roque.

Welcome din sa pangulo ang pagtatatag ASEAN COVID-19 Response Fund na pagtutulungan ng ASEAN countries.

“Sinabi ni Presidente na itong COVID-19 ay nag-expose ng mga vulnerabilities sa ating mga sistema. Kasama nga sa mga vulnerabilities na sinabi ng Presidente ang mga limitasyon ng ating health care at ng ating social protection system,” dagdag pa ni Roque.

 

 

TAGS: Asean summit, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, video conferencing, Asean summit, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, video conferencing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.