BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng mahigit 1,000 pa

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 04:32 PM

Nadagdagan pa ng mahigit 1,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (June 26), umabot na sa 34,073 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 1,006 na dagdag na mga kaso.

Sa nasabing bilang, kung saan 788 ang “fresh cases” habang 218 ang “late cases.”

Sa NCR ay nakapagtala ng 266 na fresh cases at 113 late cases.

Sa Region 7 naman ay mayroong 251 na fresh cases at 7 ang late cases.

Labingdalawang pasyente pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,224 na.

Ayon pa sa DOH, mayroong 274 pang gumaling sa nasabing sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 9,182 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

TAGS: covid cases in PH, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases in PH, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.