56 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA
Nasa 56 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 26, umakyat na sa 8,417 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 57 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,800 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ang bilang naman ng mga gumaling ay 5,081 na.
Samantala, nadagdagan ng 23 ang nasawi kung kaya 536 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,167 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 970 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 685 naman ang kaso sa Americas at 595 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.