Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 56 kilometers southeast ng bayan ng Manay alas-2:05 ng hapon ng Biyernes (June 26).
May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani bunsod ng lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Dona Dominguez-Cargullo
Excerpt: Naitala ang pagyanig alas-2:05 ng hapon ngayong Biyernes, June 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.