Pasyente tumalon mula sa ikalawang palapag ng ospital sa Tagbilaran
Isang 44-anyos na pasyente na naka-confine sa isang ospital sa Tagbilaran ang tumalon mula sa ikalawang palapag ng pasilidad.
Ayon kay Dr. Mutya Kismet Tirol-Macuno, medical center chief II ng Governor Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH), tumalon ang pasyente sa bintana ng CR sa isa sa mga isolation rooms sa COVID-19 Wing ng ospital.
Ligtas naman ang pasyente at hindi nagtamo ng sugat o bali sa katawan.
Mayroong respiratory problem ang pasyente kaya naka-admit ito sa COVID-19 Wing.
Ayon kay Macuno, “isolated case” ang nangyari at patuloy nilang tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.