Cavite nakapagtala ng highest single-day increase sa kaso ng COVID-19 sa Cavite sa loob ng nakalipas na 15-linggo

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 06:40 AM

Nakapagtala ng highest-single day increase sa kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, nadagdagan ng 25 ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ito na ang pinakamataas na dagdag sa kaso sa loob ng nakalipas na 15 linggo.

Ani Remulla, nagpapatuloy ang targeted testing sa lalawigan para sa mga frontliners at kabilang sa mga nagpositibo ay 13 mga pulis.

Dagdag pa ni Remulla, mahigit 2,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang nakauwi sa Cavite.

Patuloy ang apela ng gobernador sa mga residente na sumunod sa mga patakaran.

“Sumunod tayo sa patakaran. Lahat Ito ay para sa inyo. Huwag natin sayangin ang pinagdadaanan na nagkasakit na medical and police frontliners para gumala at mag-aliw,” ani Remulla.

 

 

TAGS: cavite, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cavite, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.