Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 148 na lamang
Nabawasan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, June 25, 3PM), nabawasan ng 9 ang active cases sa lalawigan kaya ito ay nasa 148 na lamang.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 16
San Pedro (BJMP) – 16
San Pedro (PNP) – 2
Biñan (Larger Community) – 29
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Biñan (BJMP) – 1
Santa Rosa – 37
Calamba – 17
Cabuyao – 10
San Pablo – 6
Santa Cruz – 3
Pila – 1
Bay – 1
Calauan – 3
Alaminos – 1
Nagcarlan – 1
Pagsanjan – 1
Cavinti – 1
Siniloan – 1
Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 47 na.
Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 497 kung saan nadagdagan ito ng 47.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 692.
Samantala, nasa 1,525 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.