Sen. Tolentino, kinuwestiyon ang kahandaan ng DepEd teachers sa distance learning

By Jan Escosio June 25, 2020 - 05:00 PM

Diretsahang tinanong ni Senator Francis Tolentino sa Department of Education (DepEd) sa pagdinig sa Senado kung makakaya ng higit 800,000 public school teachers na maikasa ang distance learning sa muling pagsisimula ng mga klase sa Agosto 24.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, binanggit ni Tolentino na 337,486 lang sa mga public school teacher ang nakapagsanay sa Information and Communication Technology-based instruction.

Aniya, ang pagsasanay ay isinagawa ng Information, Communications Technology Service ng DepEd at ang bilang ay halos 40 porsyento lang ng kabuuang bilang ng mga pampublikong guro.

Banggit ng senador, base sa mga pag-aaral, nangangailangan ng anim hanggang siyam na buwan para sa paghahanda pa lang ng pagpapatupad ng distance learning.

Sinabi naman ni Education USec. Diosdado San Antonio na layon nila na mabigyan ng basic training ang 60 porsyento pa sa mga guro.

“Aside from the training, there are also local initiatives from the division offices, regional offices where the teachers are also being given training activities,” sabi ni San Antonio.

Nagpahayag din ng kanyang pangamba ang senador ukol sa lumulubong bilang ng enrollees at sa magiging laman ng learning modules na ibibigay sa mga estudyante.

Natalakay sa pagdinig ang inihain ni Tolentino na Senate Bill No. 1460 na layong magkaroon ng national education policy framework para sa online o broadcast learning delivery kasabay ng nagpapatuloy na pandemiya dulot ng COVID-19.

TAGS: COVID-19 Inquirer, distance learning, Francis Tolentino, Information and Communication Technology-based instruction, Inquirer News, public school teachers, Radyo Inquirer news, COVID-19 Inquirer, distance learning, Francis Tolentino, Information and Communication Technology-based instruction, Inquirer News, public school teachers, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.