Taas presyo sa manok, temporary lang ayon sa DA

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2016 - 09:32 AM

poultry producstPansamantala lamang ang nararanasang mataas na presyo ng manok sa mga pamilihan.

Ayon kay Department of Agriculture undersecretary for livestock Joe Reaño, dapat ay nasa P130 lamang ang pinakamataas na presyo ng kada kilo ng manok ngayon pero sa ibang pamilihan umaabot sa P140 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo.

Nakapagtataka ayon kay Reaño kung bakit tumataas ang presyo ng manok gayung sapat at sobra-sobra pa nga ang suplay.

Hinala ng DA, sa distribution nagkakaroon ng problema, maari aniyang ang ibang distributors ay nag-iipit ng suplay dahil sa pangambang maka-apekto ang Newcastle disease sa susunod na mga araw.

“Sa tingin ho namin sa distribution nagpapataw saka may nangyayaring speculative marketing, meron kaming namomonitor na P140 ang presyo. Walang problema sa supply eh,” ayon kay Reaño sa panayam ng Radyo Inquirer.

Pero ayon kay Reaño, tapos na ang problema sa Newcastle disease. Dahil dito, posible aniyang ngayong linggo lamang mataas ang presyo ng manok at sa susunod na mga linggo ay mababa na muli ang presyo nito.

Pansamantala, payo ni Reaño sa publiko, baboy, isda o gulay na lamang muna ang bilhin habang mahal pa ang presyo ng manok.

TAGS: price of chicken, price of chicken

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.