Economic stimulus plan ng pamahalaan tuloy ayon kay Rep. Salceda
Sa kabila nang pahayag ng Department of Finance (DOF) at National Economic Development Authority (NEDA) na hindi kayang pondohan ang bersyon na inaprubahan ng KamaraTuloy pa rin ang economic stimulus plan ng pamahalaan.
Base sa memorandum na ipinadala kina Speaker Alan Peter Cayetano, at Majority Leader Martin Romualdez, inirekomenda ni Salceda kasama ang dalawang co-chairman ng economic cluster ng House Defeat COVID-19 Committee na sina AAMBIS OWWA Party-list Rep. Sharon Garin at Marikina Rep. Stella Quimbo ang adoption ng Kamara sa counterpart bill ng Senado sa Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE).
Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, ang Senate version ng ARISE, P157 billion ang kailangan pondo para sindihan ulit ang ekonomiya ng bansa, pero ayon kay Salceda maaring gawin na lamang nila itong P140 billion.
Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, hahatiin sa tatlong tranches ang economic stimulus plan, kung saan ang panghuli ay isisingit sa ilalim ng 2021 national budget.
Nilinaw naman ng mambabatas na subject ito sa ilang terms, na sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa mabilis at sustained recovery ng bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.
maari anyang magpatawag ng special session para maisapinal at maaprubahan ang economic stimulus packages na ito.
Kung sakali, ito na ang ikalawang stimulus plan ng pamahalaan bilang ang Bayanihan to Heal as One ang siyang pinaka-una, kung saan namahagi ang pamahalaan ng emergency cash subsidies sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ang ikatlong tranche ng economic stimulus package ayon kay Salceda ay target nilang maaprubahan sa darating na Hulyo na nagkakahalaga ng P280 billion, at ang pang-apat na tranche naman na nagkakahalaga rin ng P280 billion ay isasama naman sa 2021 national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.