Guidelines para sa back riding ng mag-asawa at magkamag-anak sa motorsiklo dapat madaliin na ng IATF

By Erwin Aguilon June 25, 2020 - 11:13 AM

Hiniling ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong sa Inter-Agency Task Force ang pagbalangkas at pagsasapinal sa safety guidelines upang payagan na ang pag-angkas sa motorsiklo ng mga mag-asawa at magkakapamilya.

Ayon kay Ong, dapat madaliin na ng IATF ang pagbuo ng guidelines upang mabigyan na ang publiko ng ligtas at accessible na paraan ng pagbyahe sa gitna ng pandemic.

Umapela naman ito sa IATF na huwag nang ipilit ang social distancing sa mga couples at magkakamag-anak sa pagsakay ng motor dahil tiyak na wala namang nagaganap na physical o social distancing sa loob ng tahanan.

Sa halip ay inirekomnenda ng kongresista na mag-isyu ang IATF ng special IDs o exemption passes na may larawan ng mag-asawa o magkamag-anak.

Bago naman mabigyan ng special ID o exemption passes ang magkakapamilya ay hihingan muna ang mga ito ng requirements tulad ng marriage certificate o barangay certificate bilang patunay sa kanilang relationship status.

Welcome development naman para sa mambabatas ang pasya ng IATF na papayagan na ang ‘back-riding’ sa mga motor ng mga magkakapamilya lalo na’t limitado at nahihirapan pa rin ang marami sa pagsakay sa public transportation.

 

 

TAGS: backriding, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified general community quarantine, motorcycle, News in the Philippines, no angkas policy, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, backriding, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified general community quarantine, motorcycle, News in the Philippines, no angkas policy, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.