2 empleyado ng korte sa Taguig na nagkaroon ng direct contact sa COVID-19 patient, negatibo sa sakit

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 10:21 AM

Balik na sa normal ang operasyon ng dalawang branch ng Taguig Metropolitan Trial Court simula sa July 1, 2020.

Ito ay kasunod ng pansamantalang pagpapatupad ng lockdown sa dalawang branch matapos na dalawang empleyado nito ang magkaroon ng direktang contact sa isang COVID-19 positive noong June 13.

Ayon sa memorandum ni Executive Judge Victoria Padilla – Awid, negatibo sa swab test ang dalawang empleyado ng Branch 74 at Branch 115 ng Taguig MeTC.

Sa kabila ng negatibong resulta, tatapusin na ang 14 na araw na quarantine sa Branch 74 at Branch 115.

Pinayuhan ang lahat ng court employees na sundin ang health protocols sa araw-araw na pagpasok sa trabaho.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taguig MeTC, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taguig MeTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.