Lalaki patay matapos makipag-eyeball sa textmate

By Ricky Brozas February 22, 2016 - 08:13 AM

crime-scene-e1400865926320Dead on the spot ang 20-anyos na construction worker matapos pagbabarilin sa Payatas, sa Quezon Ciry.

Kinilala ang biktima na si Oliver King na dumayo lamang sa lungsod at galing pa sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa kay Merry Mercilla, kasintahan ng biktima, alas 11:25 ng gabi nang magpa-alam na para umuwi ang biktima at nang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sa imbestigasyon naman ng Batasan Hills Police, naglalakad lamang sa Ipil-ipil St. sa Payatas Road ang biktima nang pagbabarilin.

Isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa katawan ang tinamo ni King na kaagad niyang ikinasawi.

Narekober sa crime scene ang tatlong bala ng 9mm na baril.

Pagnanakaw naman ang isa sa anggulong tinitignan ng mga pulis dahil hindi na makita ang cellphone at wallet ng biktima.

Inaalam din kung may kinalaman sa krimen ang dating kasintahan ni Mercilla.

Iyon kasi ang unang pagkakataon na nagkita sina King at Mercilla na nagkakilala lamang at naging magkasintahan sa pamamagitan ng text.

TAGS: man killed in payatas quezon city, man killed in payatas quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.