Kaso ng COVID-19 sa QC sumampa na sa 3,000
By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 06:26 AM
Umakyat na sa 3,000 ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa pinakahuling datos ng QC Local Government, 3,021 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 2,942 ang kumpirmado ng Department of Health at tukoy ang kumpletong address.
2,908 naman ang validated na na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit.
Mayroong 1,005 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 1,683 naman ang gumaling na.
Nananatili naman sa 220 ang bilang ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.