Tax measures para mapalakas ang credit rating ng bansa, tiyak na ipapasa ng Kongreso
Tutulong sa paghahanap ng paraan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang mabayaran ang uutanging pondo ng gobyerno para punuan ang gap sa mahinang fiscal performance bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, aaprubahan ng Kongreso ang iba’t ibang tax measures na magpapalakas sa credit ratings ng bansa at para gawing mas mura ang mga pautang.
Kabilang na aniya rito ang pagbubuwis sa digital economy at sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na inaasahang magbubunga ng P29.1 billion at P45 billion na karagdagang kita sa pamahalaan kada taon.
Bukod dito, P205 billion dagdag na revenue sa loob ng limang taon naman ang malilikom mula sa Motor Vehicles Road User’s Tax.
Iginiit ni Salceda na dapat umutang na sa ngayon ang pamahalaan katulad ng ginagawa ng karamihan sa mga mayayamang bansa dahil kung hindi ay lalo lamang lalala ang problema sa balance sheet.
Nauna nang inanunsyo ng Bureau of Treasury na umabot sa P562.2 billion ang budget deficit mula Enero hanggang Mayo 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.