Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 518 na
Nadagdagan pa nang dalawa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Police Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, na 518 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Nakapagtala naman aniya ng 19 pulis na gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 313 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Sinabi pa ni Banac na nananatili sa siyam ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.
Tiniyak naman ni PNP Chief General Archie Gamboa ang pagbibigay ng agarang medical treatment sa mga pulis na apektado ng sakit.
Sisiguraduhin din aniya na mapapanatiling ligtas ang mga frontliner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.