4 ang patay sa malakas na lindol sa Mexico
By Dona Dominguez-Cargullo June 24, 2020 - 06:15 AM
Apat ang nasawi sa tumamang magnitude 7.7 na lindol sa Mexico.
Maliban sa mga nasawi, maraming iba pa ang sugatan habang maraming pasilidad ang napinsala.
Naitala ang sentro ng lindol sa Oaxaca State.
Ayon kay Oaxaca Governor Alejandro Murat, may mga gusaling gumuho sa kanilang lugar.
Isang oil refinery ang nagliyab pa matapos ang malakas na pagyanig.
Ayon kay Mexican President Andrés Manuel López Obradorumabot na sa 147 aftershocks ang naitala matapos ang malakas na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.