Apat pang kaso ng COVID-19, naitala sa Eastern Visayas
By Angellic Jordan June 23, 2020 - 11:32 PM
Napaulat ang apat pang karagdagang kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health- Eastern Visayas Center for Health Development (DOH- EV CHD), umakyat na sa kabuuang 435 ang COVID-19 cases sa nasabing rehiyon.
Sa inilabas na 278 laboratory results ng EVRCTC, 275 ang negatibo kabilang ang 96 negative results ng EVRMC employees.
Tatlo naman ang nagpositibo sa COVID-19.
Samantala, isa naman sa 68 laboratory results na inilabas ng DWHVL ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.