Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 2,085
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (June 23, 3:00 PM) nakapagtala ng 29 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,085 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 502
Laguna – 621
Batangas – 274
Rizal – 541
Quezon – 147
Nasa 1,084 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng apat na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga naka-recover:
Cavite – 194
Laguna – 338
Batangas – 178
Rizal – 265
Quezon – 109
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nanatili sa 183.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 36
Laguna – 40
Batangas – 30
Rizal – 67
Quezon – 10
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.