23 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA
Nasa 23 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 23, umakyat na sa 8,324 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 53 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,759 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Dalawa naman gumaling pa kung kaya 5,057 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, dalawa rin ang nasawi kung kaya 508 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,104 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 961 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 685 naman ang kaso sa Americas at 574 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.