Theme song ng Radyo Inquirer, kasama sa ilalabas na music album ng Pordalab

By Angellic Jordan June 23, 2020 - 03:17 PM

Maglalabas ng bagong music album ang Pop-alternative band na Pordalab.

Ayon sa banda, kabilang sa ilalabas na 4-song music album na may titulong “Sa Pagtahak” ang theme song ng Radyo Inquirer at Inquirer 990 Television na “Magtanong, Mag-usisa.”

“In these challenging times, these songs serve as a personal reminder and beacon for the band to continue marching onward,” pahayag ni Pordalab vocalist Boogs Villareal.

Isinulat ng banda ang “Magtanong, Mag-usisa” kasama ang mamamahayag at direktor na si Arlyn Dela Cruz.

“Pordalab’s challenging voyage in music is a continuing solidarity with freedom loving people against oppression,” ayon sa vocalist, songwriter at music producer ng banda na si Karl Ramirez.

“With the controversial Anti-Terrorism Act currently at the spotlight, this album is our daring and creative response,” dagdag pa ni Ramirez.

Kasama rin ang album ang mga kantang “Kalahati ng Mundo,” “Tuklasin ang Bago sa Mundo,” at “Makibaka” kabilang ang Laguna-based rapper na si Yohi.

Ilalabas ang EP ng Pordalab sa iba’t ibang digital platforms kabilang ang Spotify at iTunes sa June 26.

Available naman na ang pre-saving ng ‘Sa Pagtahak’ sa music library sa link na ito:
https://backl.ink/142511703

Panoorin ang teaser ng bagong album ng Pordalab:

TAGS: Inquirer News, lifestyle, Magtanong Mag-usisa, Pordalab, Radyo Inquirer news, Sa Pagtahak, Inquirer News, lifestyle, Magtanong Mag-usisa, Pordalab, Radyo Inquirer news, Sa Pagtahak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.