Pagpayag na makapasok na ang foreign workers sa bansa, pinag-aaralan pa – Palasyo
Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na pinag-aaralan pa kung papayagan nang makapasok ang foreign workers sa bansa.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ay matapos humiling ang isang embahada kung maaari nang papasukin ang foreign workers na may work permit at consultants para sa flagship projects.
Ani Roque, hindi pa aniya ito aprubado.
Patuloy pang pinag-aaralan ng binuong sub-technical working group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Hindi naman binanggit ni Roque kung anong embahada ang humiling nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.