Pag-isyu ng travel pass hindi na trabaho ng pulis ayon kay Sen. Recto

By Jan Escosio June 23, 2020 - 12:16 PM

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat alisin na sa mga pulis ang trabaho ng pagbibigay ng travel pass para mabawasan na ang kanilang intindihin.

“The most important requirement is the medical certificate issued by a public health doctor. The pass issued by the police has no probative value,” diin ni Recto.

Katuwiran nito, hindi naman na maaring pigilan pa ng pulis ang pagbiyahe ng isang indibiduwal na mayroon ng medical clearance, maliban na lang kung ito ay may kinahaharap na kaso.

Giit pa ni Recto maraming istasyon ng pulisya sa bansa ang kulang na sa mga tauhan at marami pa ang nagbabantay sa mga checkpoints at nagpapatupad ng safety and health protocols.

Aniya sa halip na gumawa ng mas mahahalagang trabaho, nagiging abala pa ang mga pulis sa pag-asikaso ng travel pass applications.

“Dagdag pa dito, pinapatulong pa sila sa pag-distribute ng second wave ng ayuda. So on top of being a travel visa center, they’re also a pera padala force,” hirit pa ni Recto.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, ralph recto, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel pass, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, ralph recto, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel pass

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.