Mental health desks, pinabubuhay sa mga barangay

By Erwin Aguilon June 23, 2020 - 11:28 AM

Para matugunan ang lumalalang problema sa mental health na dulot ng COVID-19 pandemic itinutulak ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes na i-activate ang mental health desks sa mga barangay sa ilalim ng Republic Act 11036 o ang Mental Health Act.

Ayon kay Robes, bukod sa ipinatutupad na protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad, dapat tutukan rin ng mga lokal na pamahalaan ang mga kaso ng anxiety o depression sa gitna ng pandemya.

Iginiit rin nito ang kahalagahan na maging bukas at palagian ang komunikasyon ng bawat pamilya at magkakaibigan.

Una nang nagpahayag ng pagkaalarma ang World Health Organization sa pagdami ng mga taong dumaranas ng depresyon sa buong mundo bilang epekto ng Covid-19 kabilang ang social isolation, takot na mahawa ng sakit at pangamba sa pagkawala ng kita at trabaho.

Kaugnay nito, nanawagan rin ang kongresista sa publiko na magbigay ng panahon at donasyon sa mga cause-oriented group gaya ng National Suicide Prevention Lifeline.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Mental Health, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rida robes, SJDM, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Mental Health, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rida robes, SJDM, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.