Higit 100 patay, 100 sugatan sa limang pagsabog sa Syria
Hindi bababa sa 107 katao na ang nasawi sa limang sunud-sunod na pagsabog sa Syria.
Unang inako ng Islamic State o ISIS ang pagpapasabog sa bayan ng Homs na ikinasawi ng 57 katao at ikinasugat ng mahigit 100 pa.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, isang British based monitoring group, makikita sa mga television footage ng mga lokal na media ang nagkalat na debris at mga sunog na bangkay sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog.
Samantala, ang grupong ISIS din ang umako ng responsibilidad sa pagpapasabog ng tatlo pang sunud sunod na car bombing sa Damascus kahapon.
Sa pagkakataong ito, nasa 50 naman ang namatay sa unang car bombing na sinundan ng dalawa pang suicide bombers.
Noong nakaraang buwan lamang, nasa 24 katao ang nasawi sa sa Homs sa pambobomba pa rin na pinasimunuan ng ISIS.
Noong December, 32 naman ang namatay habang umiiral ang ceasefire sa pagitan ng mga rebeldeng kasapi ng ISIS at pamahalaan ng Syria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.