BREAKING: Bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit 2,000

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 05:16 PM

Sa nakalipas na magdamag ay 2,193 ang nadagdag sa bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.

Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Lunes (June 22) ng hapon, nakapagtala ng 2,193 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa Middle East at Europe.

Dahil dito, sumampa na sa 8,301 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang 2,740 na lamang ang nagpapagaling pa.

Habang 5,055 ang naka-recover na at nakalabas na ng pagamutan.

Nadagdagan din ng 10 ang bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 506 ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.

Ayon sa DFA ang mataas na dagdag sa kaso at sa bilang ng naka-recover ay resulta ng pagpasok na ng mga late na report mula sa mga bansa sa Middle East.

Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,096 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 946 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 685 naman ang kaso sa Americas at 574 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, DFA, Filipinos Abroad, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, DFA, Filipinos Abroad, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.