Mahigit 6,500 na frontliners sa Makati naisailalim na sa swab test
Umabot na sa mahigit 6,500 na frontliners, health workers, probable patients, at persons under monitoring ang maisailalim sa swab test para sa COVID-19 sa Makati City.
Sa datos ng Makati Health Department hanggang ngayong araw, June 22, mayroon nang 6,515 na naisailalim sa test.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang lungsod ay nagsasagawa ng targeted testing ng frontliners at mga taong may sintomas ng COVID-19 mula pa noong April 22 upang matukoy, maibukod, at gamutin ang mga may sakit.
Sinabi ni Binay na mahalaga na i-test ang frontliners dahil mayroon silang direktang pakikipag-ugnay sa mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.