Philhealth may sapat na pondo ngayong taon

By Chona Yu June 22, 2020 - 02:59 PM

Sapat ang pondo ng Philhealth sa taong 2020.

Ito ay kahit na humihirit ang mga opisyal ng Philhealth na suspendihin muna ang implementasyon ng Universal Health Care Law dahil sa kinakaharap na problema ang bansa sa COVID-19.

Ayon kay Philhealth President at CEO Ricardo Morales, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tatagal pa naman ang kanilang pondo hanggang sa kalagitnaan ng susunod na taon.

Wala rin aniyang nababawas sa serbisyo ng Philhealth.

Tiniyak pa ni Morales na iingatan niya ng husto ang pondo ng Philhealth.

May 130 bilyong pisong reserba anjya ang Philhealth ngayong taon kung saan 40 bilyong piso rito ang nakalaan para sa COVID-19.

 

 

TAGS: fund, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fund, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.