Isyu ng umano’y korapsyon sa Philhealth hindi pa kailangang talakayin kay Pangulong Duterte
Premature pa para kay Philippine Health Insurance Corp. President and CEO Ricardo Morales na makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang umano’y korupsyon na ipinupukol ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon kay Morales, hindi pa napapanahon na kausapin ang pangulo kung wala pa namang resolusyon sa problema.
Iginiit pa ni Morales na walang large scale corruption sa Philhealth bagkus mayroon lamang inefficiencies sa sistema.
May mga maling pasok aniya ng dokumento sa pag claim ng health insurance pero walang sindikato sa korupsyon.
Pinabulaanan pa ni Morales ang alegasyon na may nawawalang P154 bilyong nawawalang pondo sa Philhealth.
Hindi aniya ma-substantiate ng Commission on Audit na nawawala ang pondo mula 2013 hanggang 2017.
Una nang ibinunyag ni Roque na bilyong piso ang nawawala sa philhealth dahil sa ghost dialysis sa mga patay na pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.