8 kabilang ang 5 SAP beneficiaries arestado sa pagsusugal sa Nueva Ecija

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 09:33 AM

Arestado ang walong katao dahil sa ilegal na pagsusugal sa San Jose City sa Nueva Ecija.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, chief of police ng San Jose City, ikinasa ang Anti-Illegal Gambling Operation sa Brgy. Abar 2nd.

Doon naaresto ang walong suspek na nahuli habang naglalaro ng illegal card game na ‘Pusoy’.

Kabilang sa nadakip ayon kay Bruno ang isang 4Ps beneficiary at 4 na SAP beneficiaries.

Nakumpiska sa operasyon ang dalawang set ng baraha, at bet money na aabot sa P1,957 ang halaga.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa PD 1602.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Inquirer News, News in the Philippines, nueva ecija, Radyo Inquirer, San Jose City, Tagalog breaking news, tagalog news website, Illegal Drugs, Inquirer News, News in the Philippines, nueva ecija, Radyo Inquirer, San Jose City, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.