Nasawi sa COVID-19 sa Brazil mahigit 50,000; COVID-19 cases mahigit 1 milyon na
By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 07:56 AM
Sumampa na sa 50,000 ang bilang ng nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19.
Sa pinakahuling datos ang Brazil ay nakapagtala na ng 50,659 na COVID-19 related deaths.
Habang mayroon na itong mahigit 1 milyong kaso matapos na makapagtala ng mahigit 16,000 pang panibagong kaso sa magdamag.
Sa huling datos ay 1,086,990 na ang COVID-19 cases sa Brazil.
Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso at pinakamaraming nasawi sa COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.