Bilang ng umuwing Pinoy sa bansa mula noong Pebrero mahigit 51,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 07:36 AM

Nakapagtala na ng mahigit 51,000 na umuwing Pinoy ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay simula nang umpisahan ang repatriation sa mga Pinoy mula sa mga bansang apektado ng pandemic ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 57.33 percent (29,302 OFs) ay sea-based habang 42.67 percent (21,811 OFs) ay land-based.

Karamihan sa ga umuwing OFs ay mula sa Japan, Norway, Oman, Saudi Arabia, UAE, USA, at Vietnam.

Maliban sa mga OFWs, nakapagpauwi na rin ng mga stranded na Pinoy mula sa iba’t ibang bansa.

Noong June 12, dumating sa bansa ang 30 Pinoy na na-stranded sa India at Sri Lanka sakay ng BRP Davao Del Sur.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Overseas Filipinos, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Overseas Filipinos, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.