Umiiral ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang buong Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas subalit maalinsangang panahon.
Makararanas lamang ng localized thunderstorm sa hapon o gabi.
Inaasahang aabot sa 34 degrees Celsius ang maximum temperature na maitatala sa Metro Manila.
Maaliwalas din ang panahon na mararanasan sa Visayas.
Dahil naman sa ITCZ, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan sa buong Mindanao.
Sa susunod na tatlo hanggang limang araw, wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.