Sunud-sunod na pagyanig sa Mt. Kanlaon naitala ng Phivolcs
Masusing binabantayan ng Phivolcs ang kasalukuyang aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa Phivolcs, simula alas 4:03 ng madaling araw kahapon June 21, nakapagtala na ng magkakasunod na pagyanig sa bulkan.
Pinakamalakas dito ay mayroong magnitude na 4.7 at naitala ang Intensity V sa La Larlota City.
Hanggang alas 2:00 ng madaling araw kanina (June 22) ay nakapagtala na ng 81 volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.
Kaugnay nito, tiniyak ng Phivolcs sa mga residente sa palibot ng bulkan na masusing minomonitor ang kondisyon nito.
Ang Mt. Kanlaon ay nasa alert level 1 o abnormal status.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.