Comelec, nakapag-imprenta na ng 2.2 milyong balota para sa eleksiyon sa Mayo
Nakapag-imprenta na ang Commission on Elections (Comelec) ng aabot sa 2.2 million na balota simula nang umpisahan ito noong February 18 sa National Printing Office.
Ayon kay Genevieve Guevarra, ang head ng Printing Committee ng Comelec, naabot ng poll body ang target nito na makapag-produce ng isang milyon na balota kada araw.
Paliwanag ni Guevarra, mahigit 48 hours pa lamang simula nang mag-umpisa ang pag-iimprenta ng balota at dalawang milyon na ang naaabot nila.
Ang mga naimprenta aniyang balota ay nakalaan sa overseas voters sa Milan, Italy at sa Ottawa at Vancouver sa Canada.
Layon ng Comelec na matapos ng isang linggo lamang ang pag-iimprenta ng balota para sa mga overseas absentee voters.
Maging ang mga balota para sa mga botanteng naninirahan sa Basilan at Tawi-Tawi ay naimprenta na rin ng Comelec.
Una nang iniulat ng Comelec ang pagbagal ng proseso sa pag-iimprenta dahil sa naging delay ng pagde-deliver ng compact flash o CF cards na ginagamit para ma-verify ang mga balota.
Kapag aniya natapos na ang pag-iimprenta ng mga balota na para sa automated overseas absentee voting, saka pa lamang sisimulan ang pag-iimprenta sa 56.7 milyong balota na nakalaan naman sa mga botante sa Pilipinas.
Hanggang April 25 lamang ang ibinigay na deadline sa pag-iimprenta ng 56.7 milyon na balota.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.