Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 456 na

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2020 - 08:42 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Biyernes ng gabi (June 19), sinabi ng PNP Health Service na 456 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 673 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 884 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 276 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nasa pito naman ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.