Kaso ng COVID-19 sa Parañaque nadagdagan pa ng 14
Umakyat na sa 884 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Parañaque City.
Sa nasabing bilang, 658 (74.4%) ang naka-recover na o gumaling, habang 54 (6.1%) ang pumanaw.
Mayroon namang 172 pang aktibong kaso sa lungsod.
Narito ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa mga barangay sa Parañaque City:
Baclaran – 16
Don Galo – 1
La huerta – 1
San Dionisio – 18
San Isidro – 11
Sto Niño – 12
Tambo – 16
Vitalez – 7
BF Homes – 17
Don Bosco – 8
Marcelo Green – 9
Merville – 2
Moonwalk – 11
San Antonio – 10
San Martin De Porres – 4
Sun Valley – 8
Unknown barangay – 21
Muling nagpaalala si Mayor Edwin Olivarez na sundin ang payo ng pamahalaan sa ilalim ng “General Community Quarantine” at manatili lamang sa mga tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.