37 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2020 - 04:22 PM

Nasa 37 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 19, umakyat na sa 6,128 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 53 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,796 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

May anim naman na gumaling pa kung kaya 2,849 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nadagdagan ng 11 ang nasawi kung kaya 483 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,937 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 937 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 684 naman ang kaso sa Americas at 570 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, Filipino Abroad, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, Filipino Abroad, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.