LOOK: Angkas ipinakita ang ‘protective shield’ sa kanilang motorsiklo sakaling payagan nang bumiyahe
Ipinakita sa media ng Angkas ang kanilang “proposed protective shield” sakaling payagan na sila muling mag-operate bilang motorcycle taxis.
Ayon kay Angkas chief transport advocate George Royeca ang mga motorsiklo ng Angkas ay lalagyan ng plastic shields sa pagitan ng driver at pasahero.
Base sa disenyo, ang shield ay nasa likuran ng driver at doon na rin kakapit ang pasahero.
Sa sandaling payagan nang mag-operate, ang mga pasahero ay dapat mayroon na ring sariling helmet at face masks.
Sa ngayon ay bawal pa ang pagbiyahe ng motorcycle taxis.
Maging ang mga motorsiklo na personal na ginagamit ay hindi pwedeng mag-angkas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.